^

PSN Showbiz

Misis ng actor, tanggap ang aktres na kabit ng mister

AS EASY AS ABC - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang sweet naman ng showbiz couple na ito dahil kahit hindi sila magkasama sa bahay dahil pamilyado ang lalake, naipapakita pa rin ng lalake ang love and care niya sa babae. In fairness din sa babae, kahit hindi araw-araw kasama ang lalake at minsan lang silang  magkita, sinusunod pa rin nito ang gusto ng lalake.

Gusto ng lalake na by 2:00am, tulog na si babae kaya bago duma­ting ang nasabing oras ay tini-text o kaya’y tinatawagan na nito ang babae to remind her na dapat tulog na siya sa nasabing oras. By 2am., muling magtsi-check ang lalake kung tulog na ang mahal niya at ang ka­sama nito sa bahay ang tinatanong. Saka lang ma­tutulog si lalake ‘pag tulog na si babae.

Tanggap ng tunay na asawa na dalawa sila sa buhay ng lalake, kaya hindi na ito pinagseselosan malaman man na tsini-tsek ng asawa ang isa pa nitong mahal. Ang katuwiran siguro nito, sa kanya naman umuuwi si lalake.

Sunshine at Teresa Loyzaga mag-bf

May picture na parehong pinost ang newest showbiz couple na sina Macky Mathay at Sunshine Cruz na nagdi-dinner sa isang restaurant sa BF Parañaque kasama ang ilang kaibigan.

Ang ikinagulat ng mga nakakita sa picture, ka­­sama si Teresa Loyzaga na ex din ni Cesar Montano. Ang reaction tuloy ng netizens ay magkasama ang exes ni Cesar.

Ang hindi alam ng marami, matagal nang friends sina Sunshine at Teresa kahit noong nagsasama pa sina Sunshine at Cesar. Close rin si Sunshine kay Diego Loyzaga na anak nina Cesar at Sunshine at natatandaan naming imbitado si Diego sa small party sa birthday ng isang anak ni Sunshine.

Isa pang nakakagulat sa lumabas na picture, kasama si Piolo Pascual sa nasabing dinner. Tanong uli ng netizens, kanino mas close si Piolo kina Macky at Sunshine?

Suportado ni Ara Mina na kapatid ni Macky ang relasyon nito kay ni Sunshine. Nagpahayag ito na masaya siya para sa dalawa. Hindi kataka-taka kung mainis ang partido ng ex wife ni Macky kay Ara dahil dito.

Oyo bina-bash sa sunud-sunod na panganganak ni Kristine

Parang Vin ang pet name ng bagong baby boy nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa base sa nabasa naming post ni Pauleen Luna. Ang real name ay Marvic Valentin II na ang gwapu-gwapo.

May picture na karga ni Vic ang baby at kitang tuwang-tuwa ito sa bagong apo.

Bina-bash si Oyo dahil sunud-sunod ang panganganak ni Kristine, ang sagot ni Oyo, bibigyan niya ng cactus ang bashers.

Totoo naman kasi, bakit makikialam sila eh hindi naman nanghihingi ng pera sina Oyo sa kanila. Walang pakialaman.

Tweens nag-bonding

Nakakatuwa ang tweens ng GMA-7 na kinabibilangan nina Barbie Forteza, Joyce Ching, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin dahil nanati­ling close ang samahan nila.

Kahit hindi sila araw-araw nagkikita, tuluy-tuloy ang kanilang komunikasyon. Pero ‘pag special day ng bawat isa, pre­sent ang isa’t isa.

Gaya na lamang sa nakaraang birthday ni Bea Binene noong November 4, the next day ay nagkita-kita sila sa SM Megamall, nag-malling, kumain, at in-enjoy ang araw na pare-pareho silang libre.

Sabi ni Barbie “for keeps” na ang friendship nila na sinegundahan ng lahat.

Hindi isyu sa grupo kung sino ang mas sikat sa kanila, sinusuportahan nila ang isa’t isa. Nitong huli, suportado ni Barbie ang Hahamakin Ang Lahat ni Joyce.

Hinahanap ng fans sina Alden Richards, Joshua Dionesio at Jake Vargas na naging part din ng tweens.

vuukle comment

SUNSHINE AT TERESA LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with