^

PSN Opinyon

Saluduhan si Pacman

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MASAYA ang madlang Pinoy sa panalo ni Senator Manny Paquiao sa kalaban nitong si Jesse Vargas.
Sabi nga, history ang panalo ni Pacman sa buong mundo dahil bukod sa nasungkit niya ang kampeonato siya ang kauna-unahang boksingerong senador.

Nakakamangha ang naging karanasan ni Se­nator Pacman bukod sa magandang regalo ang i­binigay nito sa Philippines my Philippines dahil si­guradong dumadagundong ang usapan tungkol dito.
 Anyway, congrats Senator Pacman.

God bless!

• • • • • •

Ingat sa xmas lights

HUWAG basta-basta bibili ng xmas lights mga madlang Pinoy lalo dyan sa mga pipitsugin mga tindahan mag-ingat baka kasi maloko sila at masunog ang kanilang properties oras na pumalpak ang pailaw.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat i-double check kung ang xmas lights ay may ICC stickers at huwag basta sa presyo lang titingin.

Sabi nga, paalala lang kailangan ligtas ang pamilya natin tiyakin mapo-protektahan natin sila.
   Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, every year puntahan ng madlang Pinoy ang Divisoria para doon mamili dahil mura ang mga paninda dito lalo yong mga xmas lights kaya lang dapat tiyakin na may ICC stickers ang pailaw.
Ika nga, mag-ingat!

• • • • • •

P450 singil sa car plates isauli

MUKHANG sa 2017 pa magkakaroon ng linaw ang problema ng LTO sa multi-billion scam tungkol sa usapin ng vehicle plates sa mga lumang sasakyan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, million pang mga sasakyan sa Philippines my Philippines ang walang plaka.

Dahil sa problema ng LTO mas mainam siguro kung ibalik na muna nila ang salaping ibinayad ng madlang vehicle owners na hindi nabigyan ng plaka ng LTO dahil noon pang 2014 nagsusumigaw ang madlang public para hingin ang kanilang vehicle plates.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan kasuhan ang mga nagbigay ng problema sa madlang Pinoy sa usapin ng
P3.8 billion Plate Standardization project  dahil hindi naman ito napakinabangan ng mga may awto.

Abangan.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with