Sino ang Mas Seloso, Lalaki o Babae?
* Naku lalaki kaya. Grabe magselos may kausap ka lang na lalaki, ka-text, ka-groupie, kausap na kaklase, kaibigan. Lahat na lang. Barbaridad. – Josie, Manila
* Pati nga mga amiga ko pinagseselosan pa ng dyowa ko. Siyempre kapag may night out kaming mga ladies. ‘di siya kasama Hello!!! Tamang hinala na agad. Pupunta lang naman kami sa mall. – Michelle, Makati
* Kahit nga sa trabaho. Siyempre hindi maiwasan na ma-late ng uwi dahil wala pa yung reliever ko. Pagdating ko sa bahay aawayin pa ko. – Mariah, Sampaloc
* Mga bhe aminin may ibang babae na selosa dahil insecure mismo sa kanilang sarili nila. Kaya kulang na lang ay itali sa katawan nila ang mga partner nila dahil lang sa kakaselos. – Lornah, Davao
* Parehong praning ang lalaki at babae basta usapang selosan ‘di ba. Walang pinipiling gender kapag nakaramdam ka ng kutob. Kasi natural ang selos lalo na kung sobrang mahal mo ang tao. Kahit pa may tiwala ka sa kanya. Pero hindi maiiwasan ang selos babae man o lalaki. – Jane, Sta. Rosa
- Latest