^

Pang Movies

Betong walang tinatanggihang trabaho

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Amazing para sa Kapuso comedian na si Betong Sumaya ang mapabilang sa favorite comedy gag show ng mga manonood, ang Bubble Gang. Sa katunayan, naghahanda na si Betong sa kanyang performance para sa 21st anniversary celebration ng gag show. Pag-iigihan daw niya ito talaga dahil dito raw siya mas nakilala ng tao dahil sa good vibes na naibabahagi niya tuwing Friday night. Pero apart from comedy, naibahagi niya na ready siya sa anumang ibigay ng GMA-7 sa kanya. “Sa akin naman kahit ano ang ibigay, gagawin ko 100%. Comedy, sayaw, pagkanta or kahit nga heavy drama, pag-aaralan ko kasi blessing ‘yun e. Game ako kahit saan,” bulalas ng Kapuso comedian.

Bukod sa Bubble Gang, mapapanood din si Betong sa pinakabagong Pinoy superhero comedy adventure na Tsuperhero.

Anak ni Lani na si Bruno nagpasiklab sa pagpa-piano

May ibubuga talaga ang bagong Kapuso actor na si Bruno Gabriel. Pinatunayan niya ang pagiging isang multi-talented actor niya dahil ibinahagi niya ang isang maikling video sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood na tinutugtog niya sa piano ang awit na Narda ng Pinoy rockband na Kamikazee.

Ngayon ay mapapanood si Bruno sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat. Ito ang una niyang proyekto sa Kapuso network kung saan makakasama niya dito sina Joyce Ching, Kristoffer Martin at Thea Tolentino.

Leading man material si Bruno na guwapo na, may height pa. Iilan lang ang mga aktor natin ngayon ang may height. Maraming guwapo pero punggok. Panganay na anak ng dating sexy star na si Lani Lobangco si Bruno.

vuukle comment

BUBBLE GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with