^

Pang Movies

Young actress mabaho ang lotion at pabango

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Hindi kanais-nais ang amoy na pabango or lotion na gamit ng isang young star or bagets actress.  Ang ganda pa naman ng mukha niya.  Kahit saang anggulo sipatin ay wala kang itatapon sa kanyang beauty. Kaya lang, may amoy “luga” na parang sipon na lumalabas sa kanya. Alam ko lotion niya ‘yun or pabango dahil na try ko na ito. Subukan niya magpalit ng brand ng kanyang pabango o kaya ng kanyang lotion. ‘Yun lamang po!

Rhian naging suki ng mga kasambahay

Nagpalakpakan ang friends kong jyulalay na suki ko sa mga TV series na nakikipanood sa bahay ko.  May mga TV set naman sila sa mga house nila, pero off limits sila na manood kasi magagalit ang mga amo nila na nagwo-work sa office.  

Sabi nila (lima sila), may susi ang TV at nasa bedroom. Pinagbabawal manood ang mga maid ng amo nila, selfish naman! Ang pinapalakpakan nila ay ang pagwawakas ng Sinungaling Mong Puso. Napatay kasi ni Clara (Rhian Ramos) si Roman (Rafael Rosell) na isinusuka nila ang kawalanghiyaan.  

Isa pa sa kinasusuklaman nila ay si Katrina Halili na bad woman sa seryeng Sa Piling Ni Nanay . Palabas lang naman sa telebisyon, pero marami pa rin ang naniniwala at sobrang nadadala ng emosyon sa napapanood nila. It means, talagang magagaling ang mga gumaganap na artista. 

Mga pelikulang ilalahok sa MMFF nagkaroon ng dagdag na oras

At least, postpone ang deadline ng mga entry sa MMFF 2016 na dapat ay katapusan ngayong Oktubre. Kaya may ilang kalahok na pelikula ang natuwa dahil kahit ilang araw lang ay napagbigyan sila at feeling ng karamihan sa kanila malaking bagay ‘yung photo finished na sila sa kanilang obra, kung kaya naman para silang nakikipaghabulan sa sampung kabayo sa ginagawa nila para lang maka-join sa MMFF 2016 ginagawa every Christmas season.

A least, sapul ang submission ng mga naghahabol na entries sa November 2. Aba, ang hirap kayang mamuhunan sa paggawa ng pelikula, hindi ‘yan barya-barya lang huh.

‘On Behalf’ sa PMPC aalisin na?!

Humihingi kami ng despensa sa fans at mga nanood ng nakaraang PMPC Star Awards for MTV2016 dahil hindi nakarating ang ilang awardees sa musika at telebisyon.  Bigung-bigo sila lalo kay Alden Richards na bale apat na award sana ang tatanggapin ng gabing iyon, pero hindi siya nakarating.  

Uso naman ang on behalf kaya pasensya na po!  Hayaan ninyo pag-aaralan namin na alisin na ang on behalf. Sisiguraduhin na namin na ang isang awardee na ‘di makakadalo, no announcement of their names. ‘Yun lang, wag magalit!

Rest in Peace…

May all the souls of our dead love ones, relatives, friends, showbiz, writers, fans, all souls in porgatory rest in peace this November 1, All Saints Day and November 2, All Souls Day!  Ilawan natin silang mga nasa kabilang buhay na.  

Eternal rest grant unto them. Amen.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with