^

Pang Movies

Kris hindi raw nakapalag sa ‘makapangyarihan’!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kris hindi raw nakapalag sa �makapangyarihan�!
Kris

Did we hear it right na hindi naka-react si Kris Aquino nang malaman niya kung sino ang “humaharang” para magkaroon siya ng programa sa GMA 7 sa pamamagitan ng APT Entertainment?

Si Mr. Romy Jalosjos na nakilala rin noon na nakarelasyon ng pinaslang na si Ms. Nida Blanca  ang sinasabing kumontra sa pagpasok ni Kris sa GMA. Isa raw ito sa may-ari ng APT.

Kaya, sa tanong kung kailan muli natin mapapanood sa telebisyon si Kris ay isa pa ring malaking tanong.

Na nakapanghihinayang dahil mahusay si Kris na TV host.

Onyok mas type maging bungal

True kaya, Salve A., na mas type ng seven year-old na si Xymon Pineda, na mas kilala bilang Onyok bilang batang sidekick ni Coco Martin sa top series na FPJ: Ang Probinsyano, na nanatili muna siyang walang ngipin?

Well, hanggang umeere pa ang teleserye. Obvious na alam ni Onyok, na dahil wala nga naman siyang ngipin sa harapan, maraming batang kasing-edad niya ang nakakakilala sa kanya.

And, let’s face it, cute rin naman siya.

At his age, waring alam na ni Onyok kung paano patatakbuhin ang kanyang showbiz career. Matatandaang naging contestant siya sa isang pakontes ng It’s Showtime, kung saan niya ginaya ang singer na si Bamboo.

Nag-audition siya para sa role bilang si Onyok at hindi na niya hinintay ang resulta noon. Instead, nilapitan diumano ni Onyok si Coco, na nandoon din sa audition area, kinalabit ito at sinabihang sa kanya na ibigay ang role ni Onyok at pagbubutihan niya. Anim na taong gulang pa lang siya noon. Well, no need to tell you kung ano na ang nangyari pagkatapos noon.

Kasama rin si Onyok at ang child actor na si McNeal Briguela na kilala naman bilang Makmak sa FPJ: Ang Probinsiyano sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Coco Martin at Vice Ganda na may pamagat na Pak! Ganern! Go!

First movie ng dalawang bata ito at ididirek daw ni Joyce Bernal.

Last year’s MMFF top grosser, The Beauty and The Bestie, marked the first team-up nina Vice Ganda and Coco, na idinirek naman ng namayapang director na si Wenn Deramas.

Sam YG naghahanap ng mga vintage

Guess Salve A., kung bakit Sam YG ang tawag sa kilalang DJ na ang tunay na pangalan ay Sam Gogna na may Indian origin, pero ipinanganak at lumaki dito sa Pilipinas?

Well ito ang kuwento niya. Graduate siya ng Ateneo de Manila University, 19 lamang siya nang una niyang subukan maging radio host.

Dati raw kasi, siya ang pinakabata sa kanyang mga kasamahan sa trabaho at tinawag siyang “youngest guy (YG).”

Nanatili ang YG sa kanyang pangalan hanggang siya ay maging DJ.

Nang sumubok siya sa ABS CBN’s Hero Channel bilang kanyang first TV gig, doon na niya naisip na idagdag ang kanyang tunay na pangalang Sam kaya ito naging Sam YG. Napanood din siya sa GMA’s Eat Bulaga ng isang taon at pagkatapos noon ay bigla na lamang siyang nawala.

Well, yesterday, Saturday, napanood na muli si Sam YG, this time, sa GMA News TV kung saan hinu-host niya ang kanyang sariling programa na Vintage Trip, na produced ng Olmenak.

Sa Vintage Trip, maglilibot si Sam sa iba’t ibang lugar sa bansa para tumuklas ng maituturing na vintage rarities at kung ano ang historical significant at cultural impact nito.

“With Vintage Trip, I’d like my viewers to get entertained as well as informed of a particular vintage presented. And based on the feedback we got with our first presentation, both by social media and word of mouth, so far so good,” nakangiting pahayag ni Sam YG.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with