^

Dr. Love

Closet queen ang karelasyon

GO NEGOSYO - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong si Bimby, da­ting closet queen pero natuto nang magladlad dahil hindi ko na matiis na laging tago nang tago sa tunay kong katauhan sa aking pamilya.

Nagpasya akong ipagtapat ang tungkol dito sa maunawain kong ina. Hindi po naging madali ang pagtatapat ko sa iba pang miyembro ng aming pamilya, lalo na sa aking ama na isang ex-military man.

Pero sa tulong nang pagpapaliwanag ng aking ina, natanggap din ng aking ama ang tunay kong kasarian.

Ang problema ko po ngayon, Dr. Love mayroon akong girlfriend na tulad ko na alanganin. May isang taon na po kaming mag-on pero ang relasyon namin ay nananatiling sikreto.

May mga boyfriend siya bago kami maging mag-on. Pero kinalasan niya lahat dahil hindi raw siya maligaya at dahil lesbian siya.

Pero hindi kagaya ko na lantad na, siya ay patago pa rin dahil hindi pa raw siya handang malaman ng pamilya niya ang tungkol dito.

Hindi po tungkol dito ang worry ko, kundi ang pagkakaroon niya pa rin ng komunikasyon sa mga ex-boyfriend niya. Paano kung maisipan niya na lang makipagbalikan sa isa sa kanila? Payuhan po ninyo ako kung dapat ko pang ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa kanya o humanap na ng iba?

Bimby 

Dear Bimby,

Isang bagay lang naman ang dapat mong matiyak para makapagdesisyon, kung maligaya ka pa sa relasyong meron kayo ng iyong girlfriend. Kung ang sagot mo ay hindi, ano pa ang dahilan para manatili dyan?

Naniniwala ako na ang pag-aalaga sa relasyon ay laging sa magkabilang panig ng mag-partner. Kung ang isa ay magsasawalang-bahala rito, mawawala ang saya. Kapag nagkaganito, maaaring oras na para magdesisyon at bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makakilala ng iba.

DR. LOVE 

vuukle comment

CLOSET QUEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with