Maging responsable sa kapaligiran ngayong Undas
MANILA, Philippines - Nanawagan sa publiko si Environment Secretary Gina Lopez na maging responsable sa kapaligiran sa paggunita ng Undas.
Ang panawagan ay ginawa ni Lopez upang paalalahanan ang mga taong magtutungo sa mga sementeryo na huwag magtatapon ng basura ngayong All Saints day.
Binigyang diin ni Lopez na dapat isapuso ng publiko ang paggunita sa Undas sa pamamagitan ng mga paraang hindi matatambakan ng basura ang mga sementeryo.
“Beyond flowers and candles that punctuate our beautiful tradition of Undas, this occasion demands that we also practice environmental responsibility in honoring the memory of our dearly departed,” dagdag ni Lopez.
Dapat anyang ipairal ng mga tao ang practice na CLAYGO, na ibig sabihin ay Clean As You Go, at gamitin ang reusable o recyclable food containers.
“Our dearly departed deserve our prayers and respect, not trash. Let us honor them by keeping their resting place garbage-free,” ayon pa kay Lopez.
May 30,000 tonelada ng basura ang nakokolekta kada araw sa buong bansa at ang 8,000 tonelada dito ay mula lamang sa Metro Manila na ang pinaka marami ay tuwing public holidays.
- Latest