De Lima pinadi-disbar na rin
MANILA, Philippines - Sinampahan na rin ng kasong Disbarment sa Supreme Court (SC) ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Sen. Leila de Lima.
Isinampa nina VACC founding Chairman Dante Jimenez, Reynaldo Esmeralda, Ruel Lasala at Sandra Cam ang kaso sa SC.
Naging basehan sa disbarment kay de Lima ang gross immorality, violation of the lawyers oath at paglabag sa Rule 1.01, canon 7 at Rule 7.03 ng Code of Professional Responsibility.
Kasabay nito, nanawagan din ang grupo ni Jimenez na mag-resign na sa kanyang tungkulin si de Lima sa paniniwalang sapat na ang ebidensiya nilang hawak laban sa senadora.
Kasama sa ebidensiya ng VACC ang sex video umano nito at mga testimonya ng mga opisyal at inmate sa New Bilibid Prison (NBP) na direktang nagsasangkot sa kanya sa kalakalan ng illegal na droga.
- Latest