^

Bansa

‘Endo’ sa gov’t malabo pa

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa kaya ng gobyerno na gawing regular ang mga casual at contractual government workers sa kabila ng kanyang kautusan sa Department of Labor and Employment (DOLE) na wakasan na ang end of contract (endo) sa pribadong sector.

Ayon sa Pangulo, kung mayroon lamang sapat na pondo ang gobyerno at masusugpo ng tuluyan ang corruption para magamit ng tama ang pondo ay makakaya na rin ng gobyerno na gawing regular ang lahat ng mga nasa ilalim ng job order, talent status at contract of service.

Hindi umano gaya sa pribadong sektor na mas konti ang mga kawani at kaya itong pasuwelduhin ng kanilang mga amo.

Binati naman ng Pangulo si Labor Sec. Silvestre Bello III dahil sa matagumpay nitong pagpapatigil sa endo sa pribadong sector kung saan ay iniulat ng DOLE na nasa 16,000 private contractual workers ang regular na ngayon sa kanilang trabaho.

vuukle comment

ENDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with