^

Bansa

TRO sa curfew sana bawiin na - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na aalisin na ng Korte Suprema ang temporary res­training order (TRO) para sa pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad ?sa 3 lungsod sa Metro Manila.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang media interview matapos dumating sa Davao International Airport mula sa kanyang 3 araw na biyahe sa Japan, ang layunin naman ng pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad ay hindi upang sila ay arestuhin kundi para proteksyunan sila sa mga posibleng masamang mangyari sa kanila sa kalsada sa dis-oras ng gabi.

Idinagdag pa ng Pangulo, hindi naman aares­tuhin at ikukulong ang mga kabataan dahil sa paglabag sa curfew bagkus ay para lamang ito sa kanilang proteksyon upang hindi sila mapahamak sa kalsada.

Aniya, ang dapat arestuhin ay ang mga magulang dahil sa kanilang pagiging pabaya sa kanilang mga anak na gumagala pa kahit dis-oras ng gabi.

Magugunita na nagpalabas ng TRO ang SC upang pigilan ang pagpapatupad ng curfew sa minors sa Manila, Quezon City at Navotas.

Kinuwestyon ng Samahan ng mga Progresibong Kabataan ang local ordinance ng QC, Manila at Navotas sa pagpapatupad ng curfew mula ?10:00 pm hanggang ?4 a.m. dahil nilalabag daw nito ang karapatan ng mga kabataan.

vuukle comment

CURFEW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with