^

Bansa

Part 2 ng giyera vs droga, inilarga!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Part 2 ng giyera vs droga, inilarga!
Sa pinakahuling tala ng PNP sa Oplan Double Barrel o ang unang yugto ng giyera kontra droga mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 25, 2016 ay nasa 1,726 ang napatay na drug pushers at 31,629 ang nasakote.
Joy Torrejos, file

MANILA, Philippines - Umarangkada na ang Part II o ikalawang yugto ng pagpapalawak pa ng giyera kontra droga sa bansa.

Ito’y kasunod ng pahayag ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na magpo-pokus na sila sa ikalawang bahagi ng anti-drug campaign o ang Oplan Double  Barrel Alpha.

Tatargetin na rin ang pagpapasuko sa mga celebrities, pagkatok sa mga kolehiyo, unibersidad, maging mga paaralan sa elementarya at high school, mga pabrika, opisina at buong komunidad.

Ang PNP ay may isang taong palugit matapos itong palawigin pa ng anim na buwan ni Pangulong Duterte upang tapusin ang problema ng pamahalaan sa droga.

Inanunsyo kaha­pon ni PNP spokesman, Chief Supt. Dionardo Carlos na sa ikalawang yugto ng anti-drug campaign o Oplan Double Barrel Alpha na nagsimula nitong Setyembre 26, 2016 hanggang kahapon (Oktubre 28) ng alas- 6 ng umaga ay nakapagsagawa na ng 254 anti-drug operation.

Sa nasabing operasyon, 11 drug personalities ang napatay at 376 ang nasakote.

Sa pinakahuling tala ng PNP sa Oplan Double Barrel o ang unang yugto ng giyera kontra droga mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 25, 2016 ay nasa 1,726 ang napatay na drug pushers at 31,629 ang nasakote.

Samantalang nasa 697,001 naman ang sumukong drug users at 54,702 ang drug pushers.

Iniulat rin na 7 pulis ang napatay sa serye ng anti-drug operations at 24 ang nasugatan habang sa panig ng AFP ay tatlong sundalo ang nasawi at walo ang nasugatan.

Samantalang sa nasabing bilang ay hindi kasama ang mga drug pushers na itinumba o biktima ng summary exe­cutions na umaabot naman sa bilang na 3,001 mula Hulyo 1 hanggang Oktubre lamang.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with