^

Pang Movies

Marian ayaw pang tantanan ang pagpapa-suso kay Zia

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

First birthday na ni Baby Letizia Gracia-Dantes sa November 23, pero sabi ng ina nitong si Marian Rivera Dantes, wala pa silang plano ng asawang si Dingdong Dantes. Nakausap namin si Marian last Sunday, sa Sunday PinaSaya (SPS) at binati namin siya dahil 11 months old na nga si Zia. Tinanong namin kung paano nila isi-celebrate ang first birthday ng anak at sabi nito ay baka raw pang-family affair lamang. Depende raw kung ano ang mapag-uusapan nila ni Dong.

Kahit halos one year old na si Zia, patuloy pa rin ang breastfeeding niya sa anak na hanggang may milk pa raw siya ay hindi titigil sa pagbibigay ng gatas sa anak.

Busy naman ngayon si Dingdong sa kanyang top-rating action-drama series sa GMA-7 ang Alyas Robin Hood. Si Marian naman ay malamang next year na gumawa ng bagong drama series sa Kapuso Network. Hihintayin lamang niyang matapos mag-taping si Ding­dong, para may mag-alaga naman kay Zia kapag siya na ang nagti-taping. Every Sunday lamang naman ang kanyang musical-variety show.

Looking forward sina Marian at Dingdong sa Christmas trip nilang mag-anak sa Spain. First time iyon na makikita ng kanyang lolo Fran at family nito si Zia. Nagpasya sila ni Dingdong na sila na ang pumunta sa Spain para makita ng relatives niya roon ang kanilang anak.

Ipinaaabot nga pala ni Marian at ng buong production staff ng Sunday PinaSaya ang pasasalamat sa pagbibigay sa kanila ng Best Musical-Variety Show award ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa katatapos na awards night nila for tele­vision last Sunday, October 23.

Paolo nagpapakitang-gilas ng make up transformation sa Tokyo

Marami na ang naghihintay kay Paolo Ballesteros sa pag­rampa in-character nito para sa movie niyang Die Beautiful. Kaya pala wala si Paolo sa Eat Bulaga noong Monday, dahil noong araw na iyon siya lumipad papuntang Tokyo, Japan para um-attend ng Tokyo International Film Festival. In competition at magkakaroon ng world premiere ang launching movie niya. Nagsimula kahapon ang festival, October 25, at magtatapos ito sa November 3. 

Inaabangan ang world premiere ng movie at ang pagrampa ni Paolo sa red carpet dahil ipakikita niya ang kanayang talent sa make-up transformation. 

Pinagdaraanan nina Edu at Tom ramdam 

Gabi-gabi ay humahanga ako sa husay ng acting nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Edu Manzano para sa primetime drama series nilang Someone To Watch Over Me.

May time pa na feel namin ang paghihirap ng loob ng isang ama na makitang ipinagtatabuyan siya ng anak (Edu and Tom) dahil hindi siya kilala at ang nakalipas na paghihiwalay nila ng ina nito ang naiwanan sa isip ng anak. Napapadalas na kasi ang atake ng Alzheimer’s disease kay TJ at ang mga malulungkot na nakalipas na lamang ang mas naaalaala niya. 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with