^

Pang Movies

Pia ginawan ng kuwento sa cocaine!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pia ginawan ng kuwento sa cocaine!
Pia Wurtzbach

Wala sigurong ibang maisip na isyu kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kaya sa droga siya ini-link. Kahapon ay may lumabas na online story na umano’y arestado siya sa Malaysia matapos makita sa kanyang maleta ang sampung kilo ng cocaine. Buti na lang at hindi agad naniwala ang marami dahil updated siya sa social media. Wala nga namang upload si Pia na bumiyahe siya ng Malaysia.

Mabilis din ang denial ng taga-Miss U sa isyu. Isang malaking peke raw ang nasabing kuwento.

Aba, damaging nga naman ‘yun lalo na nga at aktibo ang ating gobyerno sa pagsugpo sa problema ng droga sa bansa.

Anyway, inamin na ni Fil-Swiss racer Marlon Stockinger na dating pa lang sila ni Pia kahit na nga sa selfie photo nilang dalawang sa kanilang kanya-kanyang IG account ay parang may something na sa kanila.

Sinagot din ni Marlon na hindi na item si Pia at ang sinasabing sexiest doctor alive na minsan ding na-link sa Miss Universe,“So, what I know, no [they’re not together]. It’s just Pia and I at the moment.”

At least, klaro. Itsapwera na si Dr. Mike Varshavski  at si Marlon na nga.

Mga nasa drug list nakakahinga na ng maluwag

Speaking of drugs, ano na nga kaya ang nangyari sa isyu ng mga artistang kasama umano sa drug watch list ng PNP? Ang unang nabalita noon, more than 50 na raw ang pangalan na nasa listahan at binabantayan ng pulisya. Pero lately ay malamig na ang isyu at hindi na gaanong pinag-uusapan.

Mga naipon ng magaling na aktres sinaid ng ex

Nasaid pala ang ari-arian ng aktres ng kanyang ex boyfriend. Ultimo raw mga kotse at condo nito, naibenta ng non showbiz ex ng magaling na aktres.

Wala raw ditong natira. Kaya ngayon umaasa na lang si aktres sa tulong ng kanyang ‘special friend’ ayon sa isang source.

Kawawa raw talaga ang naging kapalaran ng aktres na ito na maraming naipon nung kanyang kasikatan pero nagmahal ng todo kaya nawalan ng kabuhayan.

Ultimo raw ang bahay nitong tirahan ngayon, rental na lang.

 

vuukle comment

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with