Triathlon sa PSA Forum
MANILA, Philippines - Ang mga bagong kaganapan sa triathlon, football at bowling ang pag-uusapan ngayong umaga sa ses-yon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Shakey’s Malate.
Tatalakayin nina bagong Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Mon Marchan, national triathlon coach Ani de Leon-Brown at coach Rick Reyes ang direksyong tatahakin ng bagong liderato kasama ang paghahanda sa Youth Olympic Games.
Pag-uusapan din ang 2017 Balik Subic campaign ng TRAP sa public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp, Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.
- Latest