ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week.
MANILA, Philippines - Napag-iwanan ang defending champion Far Eastern University ng 20-puntos sa first period sa laban nila ng University of the Philippines noong Sabado ng hapon ngunit sa pamumuno ni Raymar Jose nakahabol ang Tamaraws at inagaw ang panalo.
Nagtala ang kapitan ng Tamaraws ng 20 puntos at 12 rebounds upang pamunuan ang koponan sa pagbangon tungo sa 63-60 panalo kontra sa Maroons at mapalawig ang kanilang winning run sa pitong laro sa ginaganap na UAAP Season 79.
Nagposte din si Jose ng dalawang krusyal na baskets sa final stretch para iangat ang Tamaraws sa 63-57 bentahe sa natitirang 1:30 minuto ng laro bago naglatag ng mahigpit na depensa ang buong koponan upang tiyakin ang tagumpay.
“We were passive from the start. Coach told us that if we want to win the game, we need to work hard for it,” wika ni Jose na siyang tinanghal na ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week.
Sanhi ng ipinakita ni Jose na performance, tumibay ang pagkakaluklok sa second spot ng FEU sa 8-2 panalo-talo na nagbigay din sa kanila ng playoff berth para sa ikalawang Final Four spot.
Naungusan ni Jose si Adamson center Papi Sarr, La Salle slotman Ben Mbala at team captain Jeron Teng at si Ateneo rookie Rafael Verano para sa lingguhang citation. (FML)
- Latest