^

Punto Mo

Ice cream sundae sa Michigan, isang kilometro ang haba

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TINANGHAL ng Guinness World Records na pinakamahaba sa buong mundo ang ice cream sundae na pinagsaluhan ng mga taga-Michigan noong nakaraang Hunyo.

Ito’y matapos makumpirmang umabot sa 2,970 talampakan o halos isang kilometro ang haba ng ice cream sundae na nilantakan ng libu-libong tao sa Ludington, Michigan.

Nasa 855 gallon ng ice cream o katumbas ng 12,285 scoops ang kinailangan para sa paggawa ng halos isang kilometrong sundae. Inihain ito sa mga pinagdugtong-dugtong na alulod at saka binudburan ng chocolate syrup, whipped cream, at cherries.

Naungusan ng ice cream sundae ng Ludington ang ice cream sundae ng New Zealand na dating may hawak ng world record sa haba nitong halos 600 metro.

Ngunit hindi inaasahang magtatagal ang world record sa Ludington dahil naghain din ang mga taga-Nashvilee, Michigan ng isang ice cream sundae na aabot sa higit isang kilometro ang haba.

Kinukumpirma pa ng mga taga-Guinness kung nalampasan nga ba ng ice cream na ito ang world record kaya sa ngayon ay hawak pa rin ng Ludington ang korona.

vuukle comment

ICE CREAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with