^

Punto Mo

EDITORYAL - Makakapangisda na nga kaya?

Pang-masa
EDITORYAL - Makakapangisda na nga kaya?

ISA sa magandang binalita ni Pres. Rodrigo Duterte sa mga sinalanta ng bagyong “Lawin” sa Cagayan at Isabela ay maaari nang makapangisda muli ang mga Pinoy sa Panatag o Scarborough Shoal. Maghintay lamang daw ng ilang araw at makakabalik na ang mga mangingisda roon. Ang pangingisda umano ng mga Pinoy sa Panatag ay isa sa mga pinag-usapan sa apat na araw na pagbisita niya sa China.

Kung totoo ang sinasabi ng Presidente, magandang balita nga ito. Matagal nang walang nakakapangisdang Pinoy sa Panatag mula nang magsampa ng reklamo ang Pilipinas sa UN ukol sa agawan sa teritoryo. Bumaba na ang hatol at dineklarang pag-aari ng Pilipinas ang Panatag at iba pang isla pero hindi ito kinilala ng China. Kapag may mga Pinoy na nangingisda, ay itnataboy ng Chinese navy at may pagkakataong binobomba ng tubig. Hindi pinalalapit ang mga Pinoy sa lugar.

Pero sa kabila nang ginawang ito, mainit pa rin ang pakikipagkaibigan ni Duterte sa China harap-harapang tinakwil ang United States. Nang magtalumpati sa harap ng Chinese officials, walang gatol na sinabing pinuputol na niya ang ugnayan sa US. Una na niyang sinabi na kailangan nang umalis ang US soldiers sa Mindanao at kasunod ay sinabing hindi na aasa ng tulong sa US.

Marami umanong “nabitbit” na tulong si Duterte mula sa pagbisita sa China at isa nga rito na maaari nang makabalik ang mga Pinoy fishermen sa Panatag.

Makakapangisda na uli sa sariling pangisdaan ang mga Pinoy. Sana ay hindi sila itaboy o bombahin ng tubig ng mga Chinese. Kapag ginawa iyon, ano kaya ang gagawin  ni Duterte. Sana nga maging maayos at nang makapaghanapbuhay na uli ang mga mangingisdang Pinoy na matagal nang walang kinikita.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with