^

Police Metro

Tinedyer hindi nakayanan ang sakit ng ulo, nagpakamatay

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumamit muna umano ng marijuana ang isang 17-anyos na binatilyo bago sinaksak nito ang dibdib na naganap kamakalawa sa Taguig City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa  Rizal Medical Center ay kinilalang si Reden Presas, ng M. Lucas St., Purok 3, Brgy. Napindan ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, ng Taguig City Police bago naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi ay kinausap ng biktima ang kanyang ama na si Rodolfo habang sila ay naghahapunan.

Dito ay ipinagtapat ng biktima na siya ay tumikim ng marijuana dahil sa sobrang sakit  ang kanyang ulo na umano ay parang binibiyak.

Hindi na natapos ng biktima ang pagkain at  nagtungo sa kanyang silid para mapahinga at sinabi nito sa ama na magsasaksak na lang ito.

Hindi pinansin ng ama ang sinabi ng anak at ilang sandali ay nakarinig ito ng hiyaw mula sa kuwarto ng huli at pinuntahan at nakita ang duguang anak.

Isinugod ang biktima sa nasabing ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with