^

Police Metro

Dalaga nag-suicide sa mall

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 18-anyos na dalaga matapos tumalon mula sa ika-apat na palapag ng isang kilalang mall sa Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Jessa Lojo, ng 764 San Ignacio St., Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Batay sa ulat bago tumalon ang biktima mula sa ika-apat na palapag ng Building B ng mall ay nakita ito na tulalang naglalakad na tila may iniisip sa  nasabing palapag nang bigla na lamang tumalon ito.

Tuluy-tuloy na bumagsak ang biktima sa upper ground ng mall at mabilis na isinugod sa Medical City Hospital, subalit  idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with