^

PM Sports

10 teams nagkumpirma sa Asian Dragonboat C‘ships

Pang-masa

MANILA, Philippines – May sampung koponan kabilang na ang isang club team mula sa Europe at isa galing ng Amerika ang nagkumpirma ng kanilang pag-lahok sa idaraos na Asian Dragonboat Championships na gaganapin sa Nobyembre 11-13, 2016 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang tinutukoy na mga club teams na buhat sa  Germany at USA ay nakatakdang sumabak sa International Club Crew Championships na magsisimula sa hapon ng Nobyembre 12 hanggang 13 pagkatapos ng Asian Championships para sa national teams na idaraos sa Nobyembre 11-12 ng umaga.

Makakalaban naman ng mga club teams na nabanggit ang mga club teams mula sa mga Asian countries na kinabibilangan ng Japan, Iran, Taiwan, Singapore, Thailand, India, Indonesia at Brunei.

Ang mga national teams naman ng nasabing mga Asian countries ang maglalaban- laban sa unang kategorya ng kompetisyon kung saan nakahanay, ang mga events na pawang may distansiyang 500 metro na kinabibilangan ng  men’s at women’s 20 seaters, men’s 10 seaters at mixed juniors (15-19 taon)10 seaters sa unang araw at mga events na may distansiyang 200 metro ang men’s crew 20 at 10 seaters, women’s crew 10 seaters at mixed juniors crew 10 seaters sa kinaumagahan ng ikalawang araw. FML

vuukle comment

ASIAN DRAGONBOAT CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with