^

PSN Palaro

VakifBank pasok sa semis ng WCWC

Pilipino Star Ngayon
VakifBank pasok sa semis ng WCWC
Inatake ni Melis Durul ng VakifBank Istanbul ang depensa nina Jutarat Jarasporn at Pleumjit Thinkaow ng Bangkok Glass.
Kuha ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Inangkin ng VakifBank Istanbul ang ikatlong semifinals ticket matapos gibain ang Bangkok Glass ng Thailand, 25-19, 25-23, 25-18, sa 2016 FIVB Women’s Club World Championship kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang ikalawang pana­lo ng mga Turkish sa tatlong laro para makasama sa se­mis ang Volero Zurich at Eczacibasi VitrA.

Binanderahan ni Lonne­ke Sloetjes ang VakifBank Istanbul sa kanyang 17 points para saluhin ang na­iwang trabaho ni Chinese star spiker Zhu Ting sa torneong inorganisa ng Philippine Superliga at Eventcourt katuwang ang TV5, Petron, Nature Spring, Asics, BMW at F2 Logistics bilang sponsors, ang Diamond Hotel bilang official residence at Turkish Airlines bilang official airlines.

Pinaglaro lamang si Zhu, humataw ng 31 points laban sa Volero Zurich noong Huwebes, sa first set at nagtala ng 8 points.

Nagdagdag si Turkish veteran Kirdar Gozde  ng 8 kills, 2 aces at 1 block at tumapos na may 11 points para sa VakifBank, nanalo sa Pomi Casalmaggiore sa nakaraang European championship.

Kinuha ng VakifBank ang 17-16 abante sa third set kasunod ang attack error ni Pleumjit Thinkaow sa panig ng Thai squad na tuluyan nang sumelyo sa panalon ng Turkish team.

Lalabanan ng VakifBank ang Eczacibasi VitrA sa knockout semifinals ngayon.

Kasalukuyan pang kala­ro ng Eczacibasi ang sibak nang PSL-F2 Logistics Ma­nila, nagdadala ng 0-2 re­cord, habang isinusulat ito.

vuukle comment

VAKIFBANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with