^

PSN Opinyon

Inhumane dispersal

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAKILABOT ang hindi makataong pagtrato sa hanay ng mga Lumads at indigenous madlang people sa napaka-marahas na pagbuwag MPD Ermita Station in front of US of  A Embassy dahil duguan ang daan madlang raliyista at grabeng nasaktan at umaray sa hanay nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sampung lespu ang nasaktan din at 30 raliyista ang tinakpan este mali dinakip pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sumabog ang galit ng dalawang grupo nang lumapit sa harapan ng US of A ang libong militante kaya naman pinalalayas sila ng mga lespu todits.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtaka ang mga lespu at nagulat dahil mistulang mga langgam ang mga militante dahil sa rami.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtitili este mali nagsisigaw pala ang mga militante para palayasin ang mga US of A madlang people sa Mindanao.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasupot ng mga militante ang US of A Embassy dahil may mga grupong nasa isang lugar sa Padre Faura at T.M. Kalaw, kaya diumano ay nataranta ang mga lespu dahil nabigla sa daming indians este mali Lumads, indigenous at mga militanteng grupo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng magkasenyasan hinagisan nang pulang pintura ng ilang raliyista ang Embahada siempre nakasama ang mga pulis na nabasa ng pintura at ang uniporme nila.

‘Hindi na sila makontrol kaya nagpakawala ang mga lespu ng tear gas pati hose ng bumbero ay pilit na inagaw.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng magkarambulan ang dalawang panig nakita na lamang nilang sinasagasaan ng mobile van ang mga militante na parang mga hayop.

Sabi nga, atras, abante!

Tanong - ano ngayon ang mangyayari sa mga lespu?

Sagot - siguradong may kalalagyan ang mga lespu kung mapapatunayan may kasalanan sila.

Bakit naman?

Sagot - talk of the town ang nangyari at napanood pa sa buong mundo.

Iyon lang!

Abangan.

vuukle comment

MPD ERMITA STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with