^

Bansa

Duterte hindi naiugnay sa EJKs, hindi kakasuhan - Gordon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte hindi naiugnay sa EJKs, hindi kakasuhan - Gordon
Walang ebidensiyang nakuha ang Senate committee on justice and human rights na mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings (EJKs). Ito ang sinabi kahapon ni Senator Richard Gordon chairman ng komite kaugnay sa posibleng pagsasampa ng kaso sa Pangulo.
Senate PRIB/File photo

MANILA, Philippines - Walang ebidensiyang nakuha ang Senate committee on justice and human rights na mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings (EJKs).

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Richard Gordon chairman ng komite kaugnay sa posibleng pagsasampa ng kaso sa Pangulo.

Nakatakdang ipalabas ng komite ni Gordon ngayong linggo o bago mag recess ang Kongreso.

Ayon kay Gordon, sa nga­yon ay hindi maaaring kasuhan ang Pangulo tungkol sa EJKs dahil hindi naman ito naiugnay sa mga pagpatay.

Inihayag rin ni Gordon na wala rin umanong Davao death squad (DDS) kahit pa inamin ng isa sa mga testigo ng komite na si Edgar Matobato na dati siyang miyembro ng grupo.

Pero aminado si Gordon na maraming patayan  na hindi naresolba hindi lamang ngayong administrasyon.

“Lets put it this way para di na tayo malito ha, definitely maraming patayan. To be fair, maraming patayan pa nung araw na hindi na so solve. Yun mas malaking problema, nagiging uso na dahil maingay ang president,” sabi ni Gordon.

Ilalagay din umano ni Gordon sa kanyang report ang pag-admonish kay Duterte dahil sa mga pananalita nito.

“Meron ang statement to that effect cautioning him (Duterte), admonishing him. Meron ganun…of course pag nagsasalita ka ng ganoon (patayan) pwede kang, pagka may nakahuli na ang testimony eh may inutusan ka eh di delikado ka sa ICC (International Court of Justice) talaga,” ani Gordon.

Samantala, kung absuwelto si Duterte, sinabi naman ni Gordon na posibleng makasuhan ng perjury o kahit pa murder si Matobato.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with