^

Entertainment

‘Let Eat Be...So Be Eat!’

ME, STARZAN - The Philippine Star
�Let Eat Be...So Be Eat!�

Noong una ba nang ang tao’y magsulputan,

Ano dama n’yo una n’yang kinailangan

Sa mga basic needs ba ng sangkatauhan?

Ngek! Wala pang sex and partner siguro naman!

 

Naturalmente ‘yung ipapalaman sa t’yan!

FOOD! TSIBOG! PAGKAIN! Inom kasama na d’yan!

Bago pa bubong sa ulunan at tulugan!

Kahit pa buong katawan nakatiwangwang!

 

Malamang na gutom ang unang naramdaman,

Tulad sanggol daliri nga’y pinagtyagaan!

Ganon din si Adan bago Eba binigyan,

Kain muna… ‘di ba eat before EBAK naman!

 

Ngak! Pasintabi sa mga kumakain d’yan!

Kitams, pagkain pa rin kahit ‘yan usapan!

Hindi mo talaga ito maiiwasan,

‘Di ba nga’t baliktad ng EAT inyo nang alam!

 

Ngunit sa usapang seryo’y talaga naman,

At hindi nga nagbago tao hanggang ngayon!

Sa paglalakbay natin kahit saan pa man,

Pagkain ang abang sa eroplano pa lang!

 

Actually before boarding nandun na nga sa lounge!

Ano pa ba gagawin dun kundi lumafang?!

Pagdating after checking the hotel ref’s laman,

Hindi ba restaurant first number of the program?!

 

For here or to go lahat ‘yan ay dadaanan,

Buong buhay tayong EAT but ang masakit lang,

Pag wala na here and it’s time to go labanan,

Ang kakain sa iyo’y mga uod naman!

 

Ngek! Kaya habang narito sa kamunduhan,

So be eat totoo ‘yan! Let eat be sige lang!

Kaya at this point-point, ngek! Kainan na naman!

Mga FAVOR-EAT at plano pang balikan!

 

Marami rin sila pero may mga ilan

Na mas masarap kung dun mismo babanatan

Sa teritoryo nila at sa pinagmulan,

Kaya pag nagawi dun ay inyong subukan!

 

GILDA PINTXOS — ang una sa aking listahan!

Kung tutuusin isa nga lang s’yang pulutan!

Sa Bilbao sa Espanya una kong natikman,

Labingwalo inubos sa isang upuan!

 

KINILAW — saan nanggaling ang salitang ‘yan?

Hmmm… tingin ko KINAIN NANG HILAW malamang!

Paghahanda ng Gilda ay tila ba ganyan

At napakasimple ng mga kasangkapan!

 

Make tusok with toothpick anchovy or boqueron,

Pagkatapos green olive ito ay tabihan,

Siling piquillo o guindilla ay dagdagan,

‘Di ito in heat este, no heat, sweet, no anghang!

 

Maghalo ng suka, olive oil saka bawang,

Balat ng kahel ay kayurin at haluan,

Ibabad tinusok mga thirty minutes lang…

At sibasibin si Gilda nang walang hanggan!

 

Muy masarap! Hijo de una gran pu… lutan!

Ten cuidado, baka pangalan malimutan!

Dahil kay Gilda kahit pa nga mahirapan,

Ang norte ng Espanya muling babalikan!

 

(To the tune of The Long And Winding Road from the album Let It Be by The Beatles.)

 

Talong at bagoong

Food namin ngayon

Talong at bagoong

Ulam buong taon

Kaya if you come near 

‘Yan na aming odor

 

Pero ang kinakain namin ni Jocas ay ang kinabaliwan kong

Gilda sa Bilbao!

 

 

Ang ilan pa sa panalong mga kabilang —

Ang tempura sa may Roppongi Hills sa Japan!

Kaiba pasiklab nila pagkat dito lang

Ulo at buntot ng hipon nilalantakan!

 

Nami-miss ko na rin ‘yung fried rice sa Venetian,

Sa Las Vegas ito, sa Macau iba naman —

‘Yung wagyu sa Edo na tinadtad sa bawang!

Grilled sardines at fried pigeon sa Macau House, Hong Kong!

 

Nakupo at mahaba pa aking listahan!

Ito lang ‘yung dinarayo’t ubrang dahilan

Upang maglakbay at binabalik-balikan!

EAT, EAT, EAT! Basta ba dala lagi MAINTENANCE!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with