^

PSN Opinyon

Sec. Sueno superlakas ba sa’yo si Supt. Bantag?

Pilipino Star Ngayon

BANAT NI BATUIGAS Bening Batuigas

HINDI pa man naipagkakaloob ang emergency power kay President Rodrigo Duterte na pinangarap ni Secretary Art Tugade para mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila, aba’y nakitaan ito na epektibo nang isuspende ang ‘no window hour’. Kasi nga bahagyang lumuwag ang EDSA at ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila na ikinatuwa ng motorista. Ngunit kung may natutuwa sa pagbabago na ipinatutupad ni Tugade mayroon din namang umaalma dahil apektado ang kanilang negosyo. Kabilang na diyan ang Pasay City at Parañaque City na pinamumugaran ng mga illegal terminal ng mga colorum van at illegal vendors. Ayon sa mga nakausap ko, milyones ang nawala nang buwagin ang illegal vendors  sa Taft Avenue mula LRT Station hanggang EDSA, gayundin nang linisin ang Redemptorist at Quirino Avenue sa Baclaran.

Nagpalakpakan ang mga motorista dahil nga sa na-ging alternatibong kalye ito na mapabilis ang daloy ng mga sasakyan sa naturang mga lungsod subalit ilang araw lang pala itong mararamdaman dahil nagbalikan din muli sa naturang lugar ang vendors. Sa ngayon lalo pang sumikip itong mga kalye sa naturang lugar. Bukambibig kasi ng vendors na binigyan ng permiso ng mga magagaling na mayors na muling makapagtinda hanggang sa kapaskuhan. Susmar­yusep! May asim pa ba ang laway ni Tugade kung may ilang mayors mismo ang sumisira sa magandang proyekto sa pagpapaluwag ng trapiko? Sec. Tugade, kalusin mo itong matitigas ang ulo ng maipatupad mo ang pangako ni President Rody na mapaluwag ang Metro Manila sa trapiko.

Samantala, nagsagawa ng noise barrage kahapon ng umaga ang mga Batang City Jail upang ipahayag ang kanilang pagtutol kay Jail Warden Supt. Gerald Bantag. Nasugatan ang 35 preso  at 4 na BJMP personnel matapos makarinig ng ilang putok nang pumasok ang Manila Police District-Special Weapon and Action Tactics. Nilinaw ni Bantag na siya ang nagpaputok ng dalawang beses upang mapayapa ang mga preso at ito umano’y mga blanko o gomang bala. The damages has done, kaya nagpapahinog ng mga sugat ang mga preso na hindi malinaw ang mga dahilan. Ngunit kung bubusisiin sa “camera footages” malinaw na pinaghahampas ng ilang gigil na gigil na mga BJMP ang mga preso papasok sa kanilang dormitory. Kaya tuloy maraming katanungan itong mga kaanak ng mga preso kay  Interior Sec. Mike Sueno sa pagkakapuwesto kay Bantag sa Manila City jail. Kasi nga noong Aug. 13 ng madaling araw 10 preso ang namatay matapos na masabugan ng granada sa pagpupulong na inorganisa ni Bantag sa Paranaque City jail. Lumalabas na superlakas si Bantag sa administrasyon ni Duterte dahil parang na-promote pa ito sa puwesto ng mailipat sa MCJ. Kasi kung sa pulis nangyari ang naturang insidente  tiyak na katakut-takot na imbestigasyon ang kahaharapin at mailalagay ito sa kangkungangan habang dinidinig ang kaso. Ngunit sa katauhan ni Bantag mukhang wala lang, kaya nahihintakutan ang mga preso sa MCJ. Hindi naman tutol ang mga preso sa pagbabago subalit kung ang mamumuno sa kanila ay galing sa isang insidente ng pagkamatay ng 10 tiyak na mangingilabot nga sila. Kasi nga wala pang linaw kung papaano nagkaroon ng granada ang mga preso sa PCJ gayung super higpit ang pagpasok sa loob at kung bakit nag-iisa lang ang escort ng mga preso ng ipasok sa opisina ni Bantag bago nangyari ang pagsabog ng granada? Ilang lamang yan sa kinakatakutan ng mga preso kung bakit sila nagsagawa ng noise barrage. Abangan!

vuukle comment

NO WINDOW HOUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with