^

PSN Opinyon

Dalawang kampo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG binigyan ni dating Pres. Fidel  V. Ramos ng “pa-yong-ama” si Pres. Rodrigo Duterte, dahil sa tingin niyang nadedehado ang bansa sa unang 100 araw ng kanyang administrasyon, nagbigay rin ng kanilang payo ang Communist Party of the Philippines (CPP) kay Duterte. Mag-ingat daw sa “amboy” na si FVR. Ayon sa CPP, pangungunahan daw ni Ramos ang isang grupong pabor sa US, para bawiin ni Duterte ang kanyang nais na magkaroon na ng sariling patakarang panlabas ang bansa. Ayon pa sa CPP, may mga “US military agents” sa bansa na kabalikat ni Ramos para kontrahin ang mga plano ni Duterte na kumalas o mapalayo na sa US at malapit sa China at Russia.

Sa ilang panayam matapos lumabas ang mga sinulat ni FVR hinggil sa unang 100 araw ni Duterte, kung saan sa tingin niya ay nadedehado ang bansa, iginiit muli na ang pagputol ng relasyon sa pinakamatagal nating kaalyado ay hindi makabubuti sa bansa. Kapag pinutol na ang relasyon, baka mahirap nang balikan ito. Iba na raw ang mundo ngayon, at walang isang bansa ang nagsasarili pag dating sa patakarang panlabas. Pinuna rin ang madalas na pagbanggit ni Duterte ng mga nakarang insidente tulad ng Bud Dajo Massacre. Lumang pag-iisp na raw iyan, na hindi na tugma sa panahon ngayon.

Lumalabas na dalawa na ang kampong nagbibigay ng payo kay Duterte. Isa si FVR, at ang isa, ang CPP. Alam natin na sa ngayon, tila mas lamang na ang CPP, dahil sa dami ng ipinagkaloob na ni Duterte sa kanila. Binigyan ng ilang posisyon sa gabinete niya. Pinalaya ang ilang lider para makasama sa usapang kapayapaan ng CPP-NDF at ng gobyerno. May plano nang pakawalan ang maraming  “political prisoners”. At mas lumalapit sa mga bansang kilalang Komunista tulad ng China.

Kung sino ang pakikinggan ay hindi natin alam. Ang alam natin ay palayo na si Duterte sa US. Natapos na ang military exercise ng US at Pilipinas. Mas maaga tinapos ng isang araw ang PHIBLEX 16. Tinanggi naman ng AFP na hindi ito dahil sa mga banat ni Duterte. Mas maaga lang daw natapos itong taon. Iyan pa lang ang alam natin sa ngayon. Kung ito na nga ang huli, wala pang nagkukumpirma.

vuukle comment

FVR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with