^

Bansa

Isinampa sa Ombudsman Kaso pa vs Leila

- Joy Cantos, Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Isinampa sa Ombudsman Kaso pa vs Leila
Magugunita na nauna nang nagsampa ng reklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption laban kay Sen. Leila de Lima kaugnay naman ng pagkakasangkot sa illegal drug trade sa National Bilibid Prison sa Bilibid.
Philstar.com/Bullit Marquez file photo

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kaso  sa Ombudsman ng Philippine National Police sa Albuera, Leyte si Sen. Leila de Lima at isang konsehal na kasabwat nito  kaugnay ng pagtanggap umano ng milyong payola  sa droga mula sa number 1 drug lord ng Eastern Visayas.

Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera police, ang kanilang pagsasampa ng kaso ay base sa testimonya ng mga testigo partikular na ng mga taong nagtrabaho sa drug lord na si Kerwin Espinosa  na may personal na nalalaman sa milyong payola na tinanggap ni de Lima.

Sinabi ni Espenido na sinampahan nila ng kaso sa Ombudsman Region 8 na nakabase sa Tacloban City, Leyte si de Lima at kasabwat nitong si Nelson Pepito Jr; na kapwa tumanggap ng milyong payola kay Kerwin , ang number 1 drug lord nago-operate sa Eastern Visayas.  Ang pagtanggap ng payola ay nangyari noong si de Lima pa ang Kalihim ng Justice Department  at umano’y pondo rin nito sa pagtakbong Senador noong Mayo 2016 national elections sa bansa.

Si Kerwin, umano’y nagtatago sa Malaysia ay anak ni Albuera Mayor Rolando Espinosa na itinuturing namang protektor nito na nauna nang sumurender kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’de la Rosa noong Agosto ng taong ito.

Nabatid na base sa testimonya ni Rolan Kevin Espinosa, kapatid ni Kerwin na nakasalo umano nila sa hapunan si de Lima sa Dampa Restaurant sa Parañaque City noong nakaraang Marso  kung saan sa nasabing pagpupulong ay nangako ang kaniyang kapatid na popondohan ang pagtakbong Senador ng dating DOJ Secretary.

Ayon kay Rolan Kevin binigyan ng kaniyang kapatid ng P 4 M na nakalagay sa dalawang bag si Ronnie Dayan , na umano’y dating  driver lover ni de Lima.

Samantalang nabatid pa na nakipagkita rin si de Lima kay Kerwin sa Baguio City noong nakaraang Marso bago ang  halalan noong Mayo.

Magugunita na nauna nang nagsampa ng reklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption laban kay de Lima kaugnay naman ng pagkakasangkot sa illegal drug trade sa National Bilibid Prison sa Bilibid.

Samantala, naghain din sa Department of Justice ng ikalawang reklamo laban kay de Lima sina dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeraldo at Ruel Lasala.

Ang inihain nilang reklamo sa DOJ laban kay de Lima ay paglabag sa section 5 at section 26 ng RA 9165.

Bukod kay De Lima, kasama sa sinampahan ng reklamo si NBI Deputy Director Rafael Ragos na kasama sa mga testigong humarap sa Kamara at umaming nag-abot ng P10-milyon kay De Lima.

Naniniwala sina Esmeralda at Lasala na may probable cause para litisin si De Lima sa nasabing mga paglabag kung ang pagbabatayan ay ang mga testimonial at documentary evidence na kanilang nakalap.

Tinawag pa ng mga complainant si De Lima bilang “Mother of all drug lords” sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang kapangyarihan para makapag-talaga ng mga tauhan nito sa Bilibid para masigurong tuloy-tuloy ang illegal drug trade sa NBP.

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with