^

Bansa

Lascañas sa Senado tiniyak

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Siniguro kahapon ni Senador Panfilo Lacson na haharap muli sa Senado si retired Senior Police Officer 3 Arthur Lascañas matapos bawiin nito ang naunang statement subalit wala pang tiyak na petsa at komite na didinig nito.

Sinabi ni Lacson, sa ginanap na caucus ay 10 ang pumabor na paharapin muli si Lascañas habang pito ang tutol, lima ang abstain at dalawa ang hindi nakaboto.

Humarap sa isang press conference si Lascañas noong Lunes at binawi ang naunang pahayag nito at inakusahan si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng Davao Death Squad (DDS) noong alkalde pa lamang ito ng lungsod.

Wika pa ni Lacson, wala pang pinal kung anong komite ang hahawak muli ng pagharap ni Lascañas at kung kailan gaganapin ang pagdinig.

Samantala, mariing itinanggi ng Malacañang ang pinalulutang ng mga kritiko ni Duterte na nagsilbing kanang kamay at most trusted na tauhan ni Duterte si Lascañas.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kung may taong tunay na dikit o kanang kamay at buong-buo ang tiwala ng Pangulo, ito ay walang iba kundi si Special Assistant to the President Bong Go.

Idinagdag pa ni Panelo, kahit siya na matagal nang personal na kaibigan ng Punong Ehekutibo ay aminadong walang makakapantay sa tiwalang ibinigay ni Duterte kay Go.

Kaya, lubhang napakalayo aniya sa katotohanan ang pinalalabas na pinaka-close kay Pangulong Duterte si Lascañas.

Sa isang panayam, sinabi ni Eduardo Matobato na kung may tinagurian right hand ang pangulo sa tanang buhay nito, ito ay si Lascañas na nakakaalam sa lahat ng naging galaw nito sa Davao at sa umano’y Davao Death Squad.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with