^

Pang Movies

Karylle maraming natutunan kay Anne

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa walong taon nilang pagsasama araw-araw sa It’s Showtime, ayon sa mga host ay para na talagang pamilya ang kanilang turingan at kahit nga raw mga imperfections ng isa’t isa ay tanggap nila.

“Hindi lang ‘yung magaganda at positibong ugali ang nagustuhan namin (sa isa’t isa) kundi ‘yung buong-buo, ‘yung pinaka-strenght at weakness naming lahat, tinanggap namin at buo naming minamahal at para talaga kaming pamilya,” pahayag ni Vice Ganda.

“Sa loob ng matagal na panahon na magkakasama kami, hindi na kami nabibigla sa mga inaarte namin. Pati ‘yung mga arte namin, hinahanap-hanap na namin sa isat’t isa. Mahal namin ang isa’t isa nang buong-buo,” patuloy pa ni Vice.

Si Karylle naman ay inilarawan isa-isa ang kanyang mga co-hosts starting from Amy Perez na tita niya in real life at lumaki raw siya na kasama ito dahil noong bata siya ay natutulog pa siya sa bahay ng huli.

“So now, that she’s here, lalo na pag mga days na alam mo ‘yon days na malungkot ka, it’s so nice to have a relative talaga around and somebody with such wisdom,” pagde-describe ni Karylle sa kanyang Tita Amy.

Si Anne Curtis naman daw na ikakasal soon ay laging maraming pasabog at may pagka-prankster daw kung minsan.

“Katulad noong pag-announce niya sa amin nun’g engaged na pala siya, akala namin, aalis na siya ng Showtime,” kwento pa ni Karylle.

“But I think, with Anne, best lesson ko talaga is naging partner kami sa Magpasikat. ‘Yung mga ginagawa niya, ‘yung inaakyat niya ang building ng ABS-CBN, ‘yun talaga ang madi-discover mo sa sarili mo, kasi she pushes you to the limit, to be your best self,” papuri pa niya kay Anne.

Si Vice naman ay lagi silang pinasasaya at ang tawag nila rito ay Miss No Filter dahil sa angking kagandahang hindi kailangan ng filter sa picture.

Si Ryan Bang naman ay “hot” daw.

 “Kasi, mahilig ako ngayon sa K-drama, ang hot ni Ryan,” natatawang sambit pa ni Karylle.

Si Amy na siyang pinaka-senior sa lahat ay siya raw parang ina sa pamilya na lahat ay inaalagaan. Taga-kausap din daw ito ng mga host na “umaarte”.

Last year lang pumasok si Tyang Amy sa show at nagpapasalamat ang TV host na nabigyan siya ng chance na makasama ang mga kasama niya ngayon sa It’s Showtime.

“Imagine mo, sa edad kong ito, nabigyan pa ako ng pagkakataon na makatrabaho sila. Na maka-bonding sila everyday at magmukha rin akong bata. Feeling young din ako pag kasama ko sila. Kaya sobrang thankful ako,” sabi pa ni Amy.

Joseph dinadalaw ni Maja sa gabi!

Inamin ni Joseph Marco na napapa­niginipan niya si Maja Salvador na leading lady niya sa Wildflower.

“Honestly, napaniginipan ko si Maja nung isang araw,” kwento ni Joseph. “Nakakatawa. Maybe because ginagawa namin ‘yung Wildflower pero napaginipan ko siya.”

Biniro siya ng press na medyo naughty tungkol sa panaginip at sey niya, “wholesome ‘yung panaginip”.

Ano ang napanaginip niya?

“Basta parang magkasama kami sa isang park, ‘yun lang ang naaalala ko. Tapos parang nagising ako.”

Biniro namin siya na mukhang malakas talaga ang “tama” niya kay Maja, pero katwiran niya, “ganu’n naman siguro pag lagi mong kasama, si Alex (Gonzaga) dati, napanaginipan ko rin”.

Aminado naman ang aktor na talagang ang atensyon niya ngayon ay na kay Maja and one of these days ay baka raw magparamdam siya rito.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with