^

PSN Palaro

FEU diniskaril ang UP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naitarak ng Far Eas­tern University ang ikatlong sunod na panalo matapos pigilan ang University of the Philippines, 25-17, 24-26, 25-23, 25-19 sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling nasandalan ng Lady Tamaraws si power-hitting Bernadeth Pons na nagpasabog ng 24 puntos mula sa 22 attacks at dalawang blocks habang nagdagdag naman sina middle blocker Remy Joy Palma at opposite spiker Toni Rose Basas ng tig-11 puntos.

Sinamahan ng Lady Tamaraws ang Lady Maroons sa ikatlong puwesto bitbit ang parehong 4-2 marka.

Naging malaking dagok para sa UP ang pagkawala ni open spiker Nicole Tiamzon na nagtamo ng ankle injury sa second set na nakagawa lamang ng apat na puntos.

Nagsilbing lider si Diana Carlos nang umariba ito ng 12 attacks, tatlong aces at dalawang blocks kasama pa ang 27 excellent digs habang nagdagdag naman si last year’s Rookie of the Year Isa Molde ng  11 puntos at tig-walo sina Marian Buitre at Caryl Sandoval.

Lamang ang Lady Ta­maraws sa lahat ng scoring skills kung saan nagsumite ito ng 50 attacks laban sa 44 ng Lady Maroons.

Mayroon ding 9-4 bentahe ang FEU sa blocks at 10-8 sa service area.

Sa ikalawang laro, mabilis na nakabangon ang University of Santo Tomas mula sa masamang pa­nimula upang gulantangin ang National University sa pamamagitan ng 21-25, 25-14, 25-14, 25-12 desisyon.

Magkasalo na ang Tigresses at Lady Bulldogs sa ikalimang puwesto hawak ang magkatulad na 3-3 marka. 

Sa men’s division, pina­a­mo ng National University ang University of Santo Tomas, 25-23, 25-18, 25-19 para mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto bitbit ang 5-1 marka.

Humataw sina Fauzi Ismail at Francis Saura ng tig-12 puntos habang nagdagdag ng 10 si Bryan Bagunas at tig-siyam sina Kim Malabunga at James Natividad para sa balanseng atake ng Bulldogs.

Tanging si Jerico Jose lamang ang nagtala ng double figures para sa Growling Tigers na nahulog sa 3-3.

Nagsanib-puwersa naman sina John Paul Bugaoan at Peter Quiel sa pagtarak ng 22 puntos para dalhin ang FEU sa 27-25, 25-17, 25-20 panalo laban sa UP.

Napaganda ng Tamaraws ang rekord nito sa 4-2 habang lumasap ng ikatlong kabiguan sa anim na laro ang Fighting Maroons.

 

 

 

 

vuukle comment

BERNADETH PONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with