^

Bansa

Ambo hataw pa rin sa lakas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Ambo, dalawang lugar sa Northern Luzon ang isinailalim sa signal no. 1.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, inilagay sa signal no. 1 ang Batanes Group of Islands at Calayan Island na may lakas ng hanging hindi bababa sa 60 kilometro kada oras.

Ang sentro ng bagyo ay namataan sa 330 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Aparri, Cagayan na may pinakamalakas na hanging 120 km kada oras malapit sa gitna at bugso na 150 km kada oras.

Kumikilos ito pa-hilaga hilagang silangan sa bilis na 13 kph at inaasahang magla-landfall sa 420 km silangan-hilagang silangan ng Basco, Batanes nga­yong umaga.

Ayon sa PAGASA, ang tinatayang dami ng ulan ay mula 20-30 millimeters kada oras sa loob ng 400 km diameter ng bagyo.

Inaasahang palalakasin din ni Ambo ang southwest moonsoon o hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa buong bansa, lalo na sa kanluraning bahagi nito.

vuukle comment

APARRI

AYON

BASCO

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS

CALAYAN ISLAND

DAHIL

INAASAHANG

KUMIKILOS

NORTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with