^

Bansa

Malalaking isda sa taal lake hulihin na-BFAR

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kasabay ng unang anibersaryo ng malawakang fish kill na naganap sa Taal Lake, ipinag-utos ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga fish pen operators na anihin ang lahat ng malalaking isda sa lawa sa loob ng 10 araw.

Ayon kay BFAR director Atty. Asis Perez, nais umano nilang maiwasan ang pagkalugi ng lahat ng mga operators fish pen matapos na lumabas sa resulta ng kanilang pagsusuri na patuloy na bumababa ang level dissolved oxygen sa lawa na maaring magdulot ng fish kill.

Sabi ni Perez, lumalabas ang ganitong pagsusuri dahil madalas anyang bumuhos ang ulan na nagi­ging ugat ng pagbabago ng klima sa lawa mula sa panahon ng tag-init.

Sa ngayon may mga naka-istambay ng mga drum ng BFAR malapit sa lawa ng Taal para paglagyan ng mga isda kung sakaling magkaroon ng fish kill.

Nakaalerto rin ang lokal na pamahalaan ng Talisay, Batangas dahil ayon kay Mayor Zenaida Mendoza, unti-unti na umanong nakakarekober ang mga naapektuhang mangingisda mula sa milyon-milyong pagkalugi at ayaw na nila itong maulit.

Maalalang May 27 hanggang June 2011 ng mang­yari ang malawakang fish kill sa nasabing lawa ng Batangas.

vuukle comment

ASIS PEREZ

AYON

BATANGAS

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

FISH

KASABAY

MAALALANG MAY

MAYOR ZENAIDA MENDOZA

TAAL LAKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with