PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Phl Navy warship umatras sa Scarborough Shoal

MANILA, Philippines - Pansamantalang umatras ang warship ng Philippine Navy na BRP Gregorio del Pilar na nakagirian ng dalawang surveillance vessels ng China sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, ang hakbang ng pamahalaan na i-pullout ang BRP Gregorio del Pilar ay hindi senyales ng kahinaan, “retreat” o pag-atras ng Pilipinas sa laban sa pinag-aagawang teritoryo sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ang military pullout sa Scarborough ay kasunod ng pagdating ng ipinadalang back-up ng Philippine Coast Guard sa nasabing lugar kahapon.

Sinabi ni del Rosario na isang hakbang ito para sa mapayapa at di­p­lomatikong pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at China habang nagpapatuloy aniya ang malalimang negosasyong ng dalawang bansa upang nakagawa ng resolusyon sa nagaganap na standoff sa Scarborough.

Ayon pa sa Kalihim, hindi hiniling ng China ang naturang pullout kundi mula mismo sa desisyon ng gobyerno habang isinasagawa ng malalimang diskusyon sa nasabing tensyon.

Nabatid kay del Rosario na bukod sa dalawang Chinese surveillance ship at 8 Chinese fishing vessels ay dumating na rin ang isa pang Chinese civilian ship na susuporta sa kanilang military ships na nakikipaggirian sa mga Pinoy troops.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nilinaw ng Kalihim na trabaho ng DFA na hawakan ang usapin hinggil sa diplomatic issue at hindi na sa military operations sa Scarborough.

Nakatakdang umalis sa bansa si del Rosario patungong Estados Unidos sa Linggo sa kasagsagan ng standoff.

Pero nilinaw ng Kalihim na tutulak siya patu­ngong US upang ikam­ panya ang kandidatura ng isang Phl justice para sa eleksyon sa International Court of Justice. (Ellen Fernando/Joy Cantos)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: