PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Total ban sa paputok, igigiit ng DOH

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng total ban ng firecrackers sa publiko.

Ito umano ang nakikita nilang mas epektibong paraan upang maging matagumpay sa layuning mailigtas ang publiko sa panganib na dala nito sa kalusugan ng tao at kalikasan.

Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona, ang total firecrac­kers ban ay nangangahulugang hindi na maaaring gumamit ng paputok ang mga indibidwal upang maiiwas sila sa panganib na dulot nito.

Partikular na nais na pagbawalan ng Kalihim na gumamit ng firecrackers ay ang mga batang may edad na 15-anyos pababa.

Samantala, sa pinakahuling talaan ng DOH sa fireworks-related injuries, 1 na ang patay habang nasa 739 na ang ka­buuang nabiktima.

Batay ito sa datos ng DOH-Aksyon: Paputok Injury Re­duction Surveillance simula Disyembre 21, 2011 hanggang alas-6:00 ng umaga nitong Enero 2, 2011 sa buong bansa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lumalabas na mas mababa ng 7 porsyento ang bilang na ito kumpara sa nakalipas na taon at 4 na porsyentong mas mababa sa unang limang taong nakalipas.   

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: