PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Libreng sakay sa LRT, MRT ngayon

MANILA, Philippines - Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ngayon araw na ito (Dec. 30).

Ayon kay LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, ang pagbibigay ng libreng sakay sa LRT at MRT ay bahagi ng pagdiriwang ng Rizal day o ika-115 araw ng kamatayan ng bayaning si Jose Rizal.

Ganap na alas-7:00 ng umaga hanggang alas- 9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi ang lib­reng sakay.

Ikinatuwa naman ng libu-libong commuter ng LRT at MRT ang pagbibigay ng libreng sakay sa kanila lalo pa’t marami sa kanila ang uuwi ngayon at bukas sa kani-kanilang mga probinsiya para doon ipagdiwang ang bagong taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: