PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Incandescent light bulb ipinapa-ban

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong tuluyang ipagbawal ang paggamit ng mga incandescent light bulb sa bansa.

Sa Senate Bill 3062 na inihain ni Senator Miriam Defensor-Santiago, sinabi nito na layunin ng kaniyang panukala na makatipid sa paggamit ng kuryente ang bansa sa pamamagitan ng pagbabawal sa produksiyon at paggamit ng mga incandescent light bulbs.

Isa aniya sa mga seryosong problema nga­yon ng mundo ang global warming na nagi­ging dahilan ng pagbabago ng  temperatura at climate change.

Ipinaliwanag pa ni Santiago na nangyayari ang global warming dahil hindi na makalabas ang greenhouse gases sa atmosphere ng mundo. 

Ipinunto pa ng senadora na ang Pilipinas ay signatory sa Kyoto  Protocol, isang international agreement na nanawagan sa pagbabawas ng paggamit ng fossil fuels sa paglikha ng kuryente.

Isa umano sa ma­ga­gawa ng mga ordinaryong Filipino upang makatulong sa pagbabawas ng paggamit ng fossil fuels ay ang pagtitipid ng kuryente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinabi pa ni Santiago na napatunayan na mas mataas na kuryente ang nakukunsumo ng mga incandescent light bulbs kaysa fluorescent lamps o compact fluorescent lamps (CFLs).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: