^

Bansa

Simoy ng amihan ramdam sa Northern Luzon - PAGASA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nararamdaman na ang lamig ng hanging amihan sa ibang parte ng Northern Luzon sa kasalukuyan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, sa Batanes group of islands unang tumama ang lamig ng hangin dulot ng amihan.

“Ang amihan ay nararamdaman sa extreme Northern Luzon tulad ng Batanes Group of Islands,” ayon sa pamunuan.

Gayunman, hindi naman binanggit ng Pagasa kung ano pang parte sa Luzon mararamdaman ang hanging amihan na ikinakabit sa nalalapit na Kapaskuhan.

Samantala, isang na­mumuong sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng Pagasa na maaring pumasok sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang naturang sama ng panahon ay maaring pumasok sa bahagi ng Visayas sa araw ng Martes o Miyerkules. Bagama’t malayo pa sa Pilipinas, malaki umano ang posibilidad ng paglakas nito pagpasok. 

Partikular na tinutumbok nito ang silangang bahagi ng Visayas, habang maaari ring umabot sa Southern Luzon at Northern Mindanao ang epekto nitong mga pag-ulan.

Sabi ng PAGASA, sa sandaling maging bagyo ang namataang sama ng panahon pagpasok sa bansa, tatawagin ito ng “Sendong”.

Samantala, inaasahang 2 pang bagyo ang maaring maka-apekto sa bansa ngayong November.

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS

NORTHERN LUZON

NORTHERN MINDANAO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMI

SAMANTALA

SOUTHERN LUZON

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with