PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

600,000 loose firearms target ng PNP

MANILA, Philippines - Umaabot sa 600,000 loose firearms o mga baril na walang lisensya sa bansa ang target kum­piskahin ng Philippine Na­tional Police (PNP) kaugnay ng puspusang kampanya upang mapababa ang kriminalidad.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Nicanor Bartolome, karamihan sa nagaganap na kriminalidad ay ginamitan ng loose firearms kaya determinado ang kapulisan na masamsam ang mga baril na walang lisensya.

Sa tala ng PNP, nasa 1.5 milyong mga baril ang lisensyado habang 600,000 naman ang ‘di lisensiyado kung saan ilang porsiyento ang hawak ng mga sindikatong kriminal na ginagamit sa kanilang illegal na operas­yon.

Sa kasalukuyan ay pa­tuloy ang checkpoint operation kontra loose fire­ arms  upang mahadla­ngan ang kriminalidad at  maaresto ang mga indibidwal na nagtataglay ng mga baril na walang lisensya. 

Ayon pa kay Bartolome, sa bawat makukumpiskang mga baril na walang  lisensya ay nababawasan rin ang mga naitatalang krimi­­nalidad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: