PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P1.816T nat'l budget lusot na sa Kamara

MANILA, Philippines - Pinal nang pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P1.816 trilyong pambansang budget para sa susunod na taon.

Sa ginanap na botohan, 198 kongresista ang pumabor sa House Bill 5023, 26 ang tumutol habang tanging si Navotas Rep. Toby Tiangco lamang ang nag-abstain.

Lumalabas na hindi nasunod ang dikta ng Palasyo dahil maraming inamyendahan sa budget kabilang na dito ang paglalaan ng mas malaking pondo para sa migrant workers.

Bukod dito ibabalik na rin ang P4.97 bilyon na miscellaneous personnel benefits funds para sa Hudikatura, Congress at mga Constitutional commission dahil sa usapin ng fiscal autonomy. 

Hindi naman ginalaw ang P39 bilyon na kontro­bersyal na budget para sa Conditional Cash Transfer (CCT) program na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD),

Nagkaroon din ng re-alignment sa pondo ng Department of Education (DepEd) para sa chalk allowance at Department of Health (DOH) para naman sa upgrading ng mga pasilidad ng government hospital kabilang na ang Philippine Heart Center at National Kidney Institute.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Binawasan naman ang Intelligence Fund ng Office of the President at inilipat sa AFP.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: