^

Bansa

'Anti-bullying' lusot na sa Kamara

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Upang matugunan ang tumataas na insidente ng mga pananakot at pagbabanta mula sa mga nangbu-”bully” sa kanilang mga ka-eskwela sa mga paaralan, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “anti-bullying act”.

Sa pinagsamang panukala sa ilalim ng House Bill 5248 nina Ako Bicol party list Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr at Christopher Co, layunin nito na magbigay ng kaalaman sa mga estudyante at mga magulang kung ano ang epekto ng pangbu-bully at kung paano ito maiiwasan at matutugunan.

Ang mga insidente umano ng pangbu-bully o iba pang uri ng harassment ng mga estudyante sa kanilang mga kaklase ay isa sa dahilan ng pagkabahala sa maraming paaralan sa bansa.

Sa ibang bansa ay nagbubunsod din ito sa mga estudyante para magpakamatay upang matakasan ang pangbu-bully ng kanilang mga kaklase.

Sa ilalim din ng panukala, inaatasan ang mga school officials na magbigay ng mekanismo upang matugunan ang pananakot kabilang dito ang pagsusumbong sa mga law enforcement agencies at pagbibigay ng karampatang disciplinary administrative action at pagbibigay-alam sa mga magulang o guardians ng mga nangbu-bully.

Kailangan din isama ng Department of Education sa kanilang trai­ning programs courses na magtuturo sa mga school administrators, teachers at employees kung paano maiwawasan at hahawakan ang mga insidente ng pangbu-bully.

vuukle comment

AKO BICOL

ALFREDO GARBIN JR

BULLY

CHRISTOPHER CO

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOUSE BILL

KAILANGAN

MABABANG KAPULUNGAN

RODEL BATOCABE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with