PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

'Botcha' nakakabaog?

MANILA, Philippines - May epekto umano ng pagkabaog para sa mga kalalakihan ang madalas na pagkain ng karne lalo na kung ito ay botcha o double dead.

Ito ang sinabi ni Ashley Fruno, tagapagsalita ng People for Ethical Treatment of Animals Asia, dahil pina­bababa nito ang sperm count ng mga lalaki bukod sa ito ay nagdudulot  ng sakit sa puso, altapresyon at diabetes.

Batay aniya sa isang pag-aaral sa Espanya, buma­baba rin ang sperm count ng lalaki kapag madalas kumain ng dairy products kayat sa halip aniya na palagiang kumain ng karne at dairy product, mas makabubuting kumain na lamang ng gulay para lumusog ang katawan.

Ang gulay ay may sustansiyang nagbibigay ng pagdami at paglakas ng sperm cell ng lalaki.

Ginawa ng grupong Peta ang babala matapos ku­malat  sa mga palengke ang mga double dead o bot­chang karne ng baboy, manok at iba pa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: