PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ramos hulihin mo si Gadhafi! - Miriam

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Sen. Miriam Defensor Santiago si dating pangulong Fidel Ramos na tugisin at hulihin ang dating Libyan leader na si Moammar Gadhafi kung nais niya itong paharapin sa imbestigasyon ng Senado.

Si Ramos ay inakusahan sa WikiLeaks cable na diumano’y tumanggap ng P5 milyong illegal campaign contribution mula kay Gadhafi noong 1992 presidential elections.

Nabuhay ang word war sa pagitan nina Santiago at Ramos matapos maghain ng isang resolusyon ang senadora na naglalayong paimbestigahan ang ibinunyag ng WikiLeaks kung saan posibleng paharapin si Ramos.

Matatandaan na kamakalawa ay hinamon ni Ramos si Santiago na paharapin din sa gagawing imbestigasyon si Gadhafi.

Ayon kay Santiago, nasa ‘state of deep panic’ si Ramos kaya binabalikan siya nito bagaman at wala naman siyang kinalaman sa ipinalabas ng WikiLeaks.

“The challenge is geriatric ranting and raving. He is in a state of deep panic, and lashing out at me. I had nothing to do with the US cable nor with WikiLeaks,” ani Santiago.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon pa sa senadora, siya ang nangunguna sa national canvassing ng boto noong 1992 pero nang magkaroon umano ng nationwide blackout naungusan agad siya ni Ramos.

Sabi pa ni Santiago, dapat maunawaan ni Ramos na walang kapangyarihan ang anumang congressional committee na magpatawag ng mga banyaga lalo na ang isang katulad ni Gadhafi.

“He is whistling in the dark. He must be off his rocker,” sabi ni Santiago.

Mistulang minaliit pa ni Santiago si Ramos matapos ipaalala na tumanggap siya ng Magsaysay award.

“I am a laureate of the Magsaysay award for government service. Ramos is not a laureate of the Magsaysay award. End of debate,” pahayag ni Santiago.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: