PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Taas pasahe sa LRT, MRT tuloy na!

BAIS CITY, Negros Oriental, Philippines - Tuloy na ang nakaambang taas-pa­sahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) matapos itong sang-ayunan ni Pangulong Aquino.

Ayon sa Pangulo, malaki na ang lugi ng gobyerno kaya panahon na upang itaas ang kasalukuyang pasahe na P15.

Aniya, umaabot ng P20 milyon ang gastos ng gobyerno para sa subsidy sa mga pasahero o kabuuang P7.2 bilyon sa loob ng 11 taon.

Idinagdag pa ni PNoy, sa bawat pasahero ng MRT at LRT na nagbaba­yad lamang ng P15 ay nasa P45 naman ang mula sa gobyerno kung susumahin ay nasa P55 ang total cost ng bawat pasahero.

Ang nasa Metro Manila lamang anya ang sumasakay sa LRT at MRT subalit ang pagsubsidy dito ay pinapasan ng buong Filipino kaya pinag-aralan na ngayon ng mga ahensiya ng gobyerno kung kailan dapat ipatupad ang pagtataas ng pasahe.

Wika pa ng Pangulo, ang ilalagay na subsidy ng gobyerno sa mga sumasakay sa MRT at LRT ay puwedeng magamit sa ibang proyekto na pakikinabangan ng mas nakakarami.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Aniya, kahit itaas ang pasahe sa LRT at MRT ay hamak na mas mabilis pa rin naman ang biyahe dito kumpara sa bus.

“Pero ang nais ko ay ipantay na lamang ang pasahe sa bus para hindi mabigatan ang mga pasahero ng LRT at MRT,” giit pa ng Pangulo.

Paliwanag naman ni DOTC Sec. Mar Roxas, kahit itaas ang pasahe sa MRT katapat ng pasahe sa air-con bus ay mas mabilis ang biyahe sa MRT.

Siniguro rin ni Roxas na bibili ng mga bagong coaches sa MRT upang hindi naman magsiksikan ang mga pasahero nito lalo kapag rush hour.

Ganito din ang sitwas­yon sa LRT kaya pinag-aaralang mabuti ng kanyang tanggapan ang pro­blemang ito.

Kasama ni Aquino si Roxas sa pagdalaw nito sa lungsod na ito para sa inagurasyon ng Mercado de Bais bukod sa dumalaw din ang Pangulo sa Dumaguete city kung saan nakaranas ng power interruption rito habang nagdaraos ng programa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: