PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

34 OFWs bihag sa Libya!

MANILA, Philippines - Hawak ngayon ng mga rebelde ang may 34 overseas Filipino worker na dinukot sa kasag­sagan ng karahasan sa Libya.

Ayon kay Jesse Ann Deliog, kapatid ng OFW na si Genesis Deleog, tubong Baguio City at kabilang sa dinukot ng mga rebelde, nakatawag pa sa kanya ang kapatid kahapon ng alas-2:30 ng madaling-araw at humihingi ng tulong upang sila ay iligtas ng pamahalaan sa kamay ng mga abductors.

Ayon kay Genesis, sinalakay at pinasabog ang kanilang construction site ng mga armadong Libyan at saka inihiwalay ang 34 Pinoy sa mga Libyan na nasa site. Isa pa sa mga bihag ang nakilalang si Renato Viduya, ayon kay Deleog.

Ang 34 ay pawang nag­tatrabaho sa Ajdabia construction.

Sinubukang humingi ng tulong ng pamilya Deleog sa pamamagitan ng DFA hotline subalit wala umanong sumasagot sa kanila. Nilapitan din nila ang OWWA sa Baguio ngunit hanggang kahapon ay walang tugon at aksyong ginawa ang OWWA.

Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad para matunton ang kinaroroonan ng mga Pinoy.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, nakatawid na rin ang mahigit 500 OFWs mula Libya­ sa­kay ng mga truck at bus matapos na dumaan sa iba’t ibang checkpoint patungong border sa Egypt.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: