PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagpapadala ng OFWs sa 2011 bababa

MANILA, Philippines –  Lalo umanong bababa ang bilang ng ipinadadalang overseas Filipino workers (OFWs) ngayong 2011 na magiging pasakit para sa may halos 5 milyong Pinoy na walang trabaho.

Ito ang pagtaya ng Migrante International at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos na sang-ayunan ng mga ito ang report ng Labor and Employment Department na nagkaroon ng “downtrend” o pagbaba ng deployment ng mga manggagawang Pinoy sa loob ng 10 buwan ng taong 2010.

Sa tala ng POEA, simula Enero hanggang Oktubre ng 2010 ay may 1.079 milyong OFWs ang na-deploy o naipadala sa ibang bansa kumpara sa 1.112 milyong OFWs na na-deploy sa nasabi ring mga buwan noong 2009. Lumalabas na 3 porsyento ang ibinaba ng deployment rate kumpara sa taong 2009.

Ilan sa mga sinasabing epekto ay ang global financial crisis, pagdami ng ipinadadalang manggagawa ng ibang mga bansa gaya ng Indonesia at ang bahagyang pagpapatupad ng compulsory OFWs insurance.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: