PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Smuggled cellphones nakaka-brain cancer, nakakabulag

Nagbabala ang gru­pong TXTpower sa pa­mahalaan at publiko na suriing mabuti ang gi­nagamit na cellphones matapos na mabatid sa pag-aaral na pangu­nahing sanhi ito ng ng maraming kaso ng brain cancer, pagtaas ng blood pressure at pag­kabulag dahil sa so­brang exposure sa “electromagnetic radiation (EMR).” 

“Karamihan sa mga pag-aaral na ito ay hindi pa pinal pero wala na­mang masama sa publiko na maging bukas ang isip ukol sa mga panganib na dulot nito. Hindi alam ng isa na ang ginagamit nilang gadget ay mag­dudulot ng matinding problema sa hinaharap dahil sa madalas na paggamit,” ayon kay TXTpower head Arnold Ian Cruz.

Nanawagan ang grupo sa National Telecommunications Commission (NTC) na suriing mabuti ang mga ibinebentang cellphone sa bansa kung pumasa ito sa safety standard partikular iyong mga galing China.  (Danilo Garcia)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: