Back to Top
Baligtad na watawat, 'honest mistake' - Lacierda
Ni Rudy Andal - September 28, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Palasyo na isang ‘honest mistake’ ang nangyaring baligtad na inilagay ang watawat ng Pilipinas sa US-Asean meeting na bahagi ng UN gene­ral assembly sa New York.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, napuna na ito ng protocol ng Pilipinas subalit dahil sa mahigpit na seguridad sa nasabing pagtitipon ay hindi agad ito naisaayos.

Inamin naman ng US embassy na isang malaking pagkakamali ang baligtad na nailagay ang watawat ng Pilipinas kung saan ay ang kulay pula ang nasa ibabaw sa halip na ang kulay asul.

Wika pa ni Sec. Lacierda, ang mahalaga ay inamin ng organizers ang kanilang pagkakamali at ang mas maha­laga ay ang magandang relasyon ng RP-US.

Idinagdag pa ni Lacierda, ang detalye ng 7 minutong pag-uusap nina Pangulong Aquino at US President Barrack Obama ay ihahayag mismo ni P-Noy sa kanyang pagda­ting ngayong alas-3:30 ng madaling araw sa NAIA matapos ang kanyang 7-araw na US trip.

Maging si Sen. Francis Escudero ay nanawagan din na huwag nang palakihin ang isyu hinggil dito.

ASEAN FRANCIS ESCUDERO IDINAGDAG INAMIN LACIERDA NEW YORK PANGULONG AQUINO PILIPINAS PRESIDENT BARRACK OBAMA PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA
  • Latest
  • Trending
  • Recommended
Trending
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with