PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Yusoph laya na!

MANILA, Philippines - Matapos ang 30 araw na pagkakabihag, pinalaya na ng kanyang mga kidnaper ang anak ni Comelec Commissioner Elias Yusoph sa Cagayan de Oro City nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, si Nuraldin Yusoph, 22 anyos ay pinakawalan dakong alas -5:10 ng hapon sa kahabaan ng road junction ng Brgy. Balulang, Cagayan de Oro City.

Naging emosyonal naman ang pagtatagpo nina Nuraldin Yusoph at ama nitong si Comelec Commissioner Elias Yusoph matapos silang magkita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 galing Cagayan de Oro City, kahapon ng hapon.

Si Nuraldin ay dumating sa NAIA sakay ng Philippine Airlines flight PR-184 galing Cagayan de Oro City.

“Walang ransom money ang naibigay sa mga kumidnap sa anak ko,” agad na iginiit ng matandang Yusof sa panayam ng media.

Bago ang pagpapalaya kay Nuraldin, napaulat na napatay ng mga military si Dimaporo Dimasakal, alyas Commander Delta Force, na sinasabing siyang lider ng grupong dumukot sa biktima noong Hunyo 20 sa Bato Ali Mosque sa Sabala, Marawi City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon naman kay Commissioner Yusoph hihilingin niya sa mga awtoridad na ilagay sa ‘martial law’ ang Lanao del Sur para mabawasan ang mga masasamang elemento na gumagawa ng mga krimen sa nasabing lugar.

Dapat sanang umalis ang biktima sa Saudi Arabia para sa isang scholarship program ng madukot ito.

Pinasalamatan naman ni Commissioner Yusoph ang PNP sa pamumuno ni Chief PNP Jesus A. Verzosa sa walang humpay na pagtugis sa mga kriminal. 

Ayon sa report, gusto ng mga kidnaper na ibasura ang resulta ng botohan sa apat na bayan ng Lanao del Sur at magbigay ng P20 million bilang ransom ang pamilyang Yusoph para sa kalayaan ni Nuraldin. (Butch Quejada/Joy Cantos/Mer Layson)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: