PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Andal Sr., off-limits

MANILA, Philippines - Off-limits ngayon si Maguindanao massacre suspect Andal Ampatuan Sr., na kasalukuyang naka-confine sa AFP Medical Center o ang dating V. Luna Hospital sa Quezon City dahil nakakahawa umano ang sakit nitong herpes zoster, isang uri ng skin disease.

Nabatid sa ilang staff ng ospital na tiyak umanong isolated ang matandang Ampatuan at hindi puwedeng itabi o ihalo sa ibang mga pas­yente dahil sa herpes zoster, isang acute infection ng varicella-zoster virus na masakit at mahapding rashes sa balat.

Bagamat nasa pa­ga­mutan na, ang mga ele­mento pa rin ng Quezon City Jail ang magbabantay sa suspek sa loob ng dalawang linggong pananatili nito sa ospital.

Gayunman, tumanggi si Brig. Gen. Ariel Cerrudo, commanding officer ng ospital na sabihin kung saang kuwarto naka-confine si Andal Sr. bastat anya, ita-trato nila itong regular na pasyente at tiniyak na walang special treatment na ibibigay dito.

Kahapon pasado alas-8 ng umaga umalis ang convoy na nagdala kay Andal, Sr., mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig patungong AFP Hospital at dumanas din ng ma­tinding traffic dahil hindi nag-wangwang at blinkers ang security escort nito.

Pagdating sa ospital, agad isinakay sa wheel chair ang pas­­yente at agad isina­ilalim sa medical check-up ng mga medical staff ng ospital  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matatandaang kama­kailan lamang inatasan ng QC Regional Trial Court RTC ang pag­lipat kay Ampatuan Sr. upang ipa­gamot ang kanyang karamdaman. (Dagdag ulat nina Rafael Zapanta/Mary Joy Mondero, trainees)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: